Events and Activities
Sa ganap na 6PM, June 24, ay magsisimula na ang "Bakuna Nights para sa Film at Entertainment Workers" sa Quezon City Hall Vaccination Site.
Sa pakikipagtulungan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) National Registry (NR) at Quezon City (QC) Government, babakunahan sa ilalim ng #QCProtekTODO program ang mga residente ng Quezon City na rehistrado sa National Registry for Audiovisual Workers (NRAW). Halos 1,500 sa mahigit na 5,000 NRAW registrants ay residente ng Quezon City.
Sa pangunguna ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño, nakikipag-ugnayan ang pambansang ahensya ng pelikula sa iba pang local government units (LGUs) para sa pagbabakuna ng iba pang NR registrants. Para sa mga nais mag-register sa kanilang LGUs, maaaring ipakita bilang proof of eligibility ang FDCP National Registry Certification na puwedeng i-download mula sa MyFDCPRegistry Profile sa NR website.
Schedule of Bakuna Night:
1st Batch - June 24, 2021 | 2nd Batch - July 1, 2021 | 3rd Batch - July 8, 2021 |
For more Updates, Visit our Facebook Page.