Events and Activities

Pagbubukas ng Buwan ng Wikang Pambansa!

NAKIKIISA ANG FILM DEVELOPMENT COUNCIL OF THE PHILIPPINES SA PAGBUBUKAS NG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA!

Sa pagsisimula ng buwan ng Agosto, pormal nang binuksan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na may temang "Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha" sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) kasama ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) at National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Kabilang sa mga panauhing pandangal sa naging programa ay sina Kgg. Tirso S. Cruz III, Tagapangulo at CEO ng Film Development Council of the Philippines, Kgg. Arthur P. Casanova, PhD, Tagapangulo ng KWF, Kgg. Rene R. Escalante, PhD, Tagapangulo ng NCCA at National Historical Commission of the Philippines (NHCP), Usec. Rolando P. Tan, Deputy Executive Secretary for Finance & Administration, Office of the Executive Secretary, at mga Komisyoner ng KWF na sina Kgg. Carmelita C. Abdurahman, EdD at Kgg. Benjamin M. Mendillo Jr., PhD. Dumalo rin sa programa ang mga kawani at kasapi ang mga ahensyang nabanggit.

“Sa larangan ng pelikula, ang lahat ng ito’y napakahalaga. Ang wikang kinamulatan sa tahanang kinagisnan ay ang pinakanatural at pinaka-tutoo para sa atin. Napakaganda pong isipin na lalo pa nating manamnam ang ganda ng ating mga panitikan at mga kuwento kapag isinulat at binigkas ang mga ito sa ating sariling wika. Mas malalim. Mas may saysay. Mas totoo sa atin,” pagbabahagi ni FDCP Chairman & CEO Tirso Cruz III sa kaniyang talumpati.

Ngayong buwan din ay ipinagdiriwang ang Buwan ng Kasaysayan alinsunod sa Proklamasyon Bilang 339 na nilagdaan noong 2012 na may temang “Kasaysayan, Kamalayan, Kaunlaran” (History, Consciousness, Development) sa pangunguna ng NHCP.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa pagdiriwang, mangyaring bisitahin ang kwf.gov.ph.

MABUHAY ANG WIKANG FILIPINO!

#FDCP #BuwanNgWika2022