Events and Activities
SIMULAN NA ANG TAUNANG PISTA!
Mula sa mahigit 200 submissions mula sa iba't ibang panig ng Pilipinas, 10 short films na gawa ng mga young and aspiring filmmaker ang mapapanood sa Pista ng Pelikulang Pilipino 5: Sine Kabataan Short Film Competition.
Simula sa Story Development, Pitching, Safe Filming, at Editing, dumaan sa iba't ibang film labs ang mga kasaling filmmaker para mas paghusayin pa ang kanilang husay at talento sa paggawa ng pelikula.
Binigyan rin ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ng production grant na nagkakahalaga ng PHP100,000 ang bawat Sine Kabataan finalist para ma-produce ang kanilang short films.
Matapos ang ilang buwang paghahanda at pagbuo ng kani-kanilang mga pelikula, mapapanood na ang Sine Kabataan entries mula September 17 hanggang September 26 FOR FREE and ON-DEMAND sa FDCP Channel.
Para mapanood ang lahat ng pelikulang kasali sa Sine Kabataan Short Film Competition, mag-sign in o gumawa ng account sa www.fdcpchannel.ph.
Ang PPP5: Sine Kabataan Short Film Competition ay bahagi ng pagdiriwang ng kauna-unahang Philippine Film Industry Month sa pangunguna ng Film Development Council of the Philippines.