Lungsod ng Maynila, Babakunahan ang 3,500 na FDCP-Registered Film & AV Workers
MAYNILA, PILIPINAS, HULYO 21, 2021 — Habang patuloy na naghahanap ng pakikipagtulungan ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) para masuportahan ang film at entertainment industry sa pamamagitan ng pagpapabakuna ng mga manggagawa nito, inaprubahan ng Lungsod ng Maynila sa pamumuno ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, na isa ring aktor, ang pakikipagtulungan ng FDCP National Registry (NR) at ang programang “Vaccine Nation is the Solution” ng Maynila.